(TRUE STORY)
Kanina, pinasok ang bahay namin ng isang batang 14 taong gulang lamang. Hindi sya nakapagnakaw sapagkat pagkapasok palamang nya, nakita na sya agad ng aking kapatid at agad agad siyang lumabas ng aming bahay. Akala ng naming lahat ay nakakita ng multo ang aking kapatid dahil ayon sa pag kakalarawan nya sa batang iyon ay maitim, kulot at maliit na bata. Nang marining ito ng aking nanay, agad siyang nag pa sindi ng kandilang hapon at sinabi nya sa aking lolo na pausukan ang buong bahay upang mawala ang masamanag espirito. At ginawa naman ito ng aking lolo. Ilang sandali lamang, pagdating nya sa likod ng bahay namin, may napansin syang naka-itim na damit na lalaki na nag tatago sa likod ng bahaya namin. Agad nya itong nilapitan at hinawakan nya ito sapagkat hindi naman namin siya kilala subalit nasa loob siya ng aming bakod. Tinanong agad siya ng aking lolo. Tinanong kung anong pangalan nya at kung saan sya nakatira at sinabi naman nya ngunit napag alaman rin namin na puro kasinungalingan lamang ang mga ibinigay niyang impormasyon. Ipinaalam agad namin ito sa isang Brgy. Kagawad na kapitbahaya lang namin. Hindi nila sinaktan ang bata sapagkat baka makasuhan pa sila ng child abuse kaya ipinunta na lamang nila ang batang ito sa police station. Noong ipinasok na sya sa police station, napag alaman namin na ang batang ito ay labas-pasok na sa kulungan at tumakas na sa DSWD. Marami na rin daw ninakawan ang batang ito at may mga kasama pa daw itong mga bata rin. Hindi kinasuhan ang batang ito sapagkat siya ay menor-de-edad palamang kaya naman hinatid nalamang ang batang ito sa kanilang bahay at sinabi ang mga ginawa niya.
Sa pangyayaring ito napag isip isip ko lamang na bakit hindi nalang ikulong ang mga batang ito ngunit nakahiwalay sa mga matatanda. Bakit pa nila pakakawalan ang mga ito eh nagkasala naman sila at nilabag nila ang batas. Napag isip-isip ko rin na ginagamit ng mga batang ito ang kanilang murang edad para makagawa ng mga mabibigat na kasalanan dahil hindi naman sila napaparusahan ng batas sapagkat under-age palamang sila. Unang una, hindi ko sinisi ang gobyerno. Oo nga't mayroon tayong mga sangay ng gobyerno na nangangalaga sa mga batang ito ngunit sapat ba ang mga ito para sila ay maiwasto? Sapat ba ang mga facilities nila? Ayon mismo sa bata, tumakas daw sya sa DSWD dahil natatakot daw sya. Nag mamakaawa pa siya na huwag na daw siyang ibalik doon. Ngayong napakawalan na ulet siya, hindi malayong gawin niya ulet ang mga ito sapagkat hindi naman siya nakukulong. Ano sa tingin nyo? Kayo na po ang bahalang humusga.
Biyernes, Mayo 25, 2012
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)